Lav Diaz: Biktima ng Isa na Namang Kabobohan ng MTRCB
Bakit kaya mahilig puntiryahin ng Bobong MTRCB ang mga pelikulang nagbibigay karangalan sa bansa? Kamakailan, na-X ang Serbis na pinapurihan sa Cannes Film Festival. Ngayon naman ay ang pelikula ni Lav Diaz na 'Death in the Land of the Encantos' na nanalo sa Venice International Film Festival. Basahin niyo ang post ng filmmaker na si JP Carpio, lalo na ang comment ni Kints Kintana na isa sa mga namamahala ng screenings sa IndieSine sa Robinsons Galleria, at maiiyak talaga kayo. Tinatawagan ko ang lahat ng ating mga mambabatas na sana buwagin na ang talagang walang kakuwenta-kuwentang ahensiya ng gobyerno na ito!
Labels: censorship, independentfilm, lavdiaz, mtrcb